₱568-B economic stimulus fund para sa mga negosyo at manggagawa, pasado na sa komite ng Kamara

Lusot na sa Defeat COVID-19 AdHoc Committee ang ₱568-billion na Philippine Economic Stimulus Act (PESA) para sa 2020.

Layunin ng panukala na protektahan ang nasa 30 milyong manggagawa sa bansa at mga maliliit na negosyo laban sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim ng PESA, maglalaan ng ₱110-billion wage subsidies sa Department of Labor and Employment (DOLE) at ₱30-billion cash for work sa ilalim ng DOLE-Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa mga informal sector workers.


Maglalaan din ng ₱95-billion para sa pautang ng Small Business Corporation’s (SBCorp) hanggang sa susunod na taon, ₱50-billion na interest-free loan program para sa Small and Medium-sized Enterprises (SMEs) at agri-fishery sector, ₱40-billion loan guarantee sa ilalim ng Philippine Guarantee Corp., at ₱10-billion na dagdag na ayuda para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na apektado ngayong taon ng pandemic.

Palalakasin din ang industriya ng turismo sa pamamagitan ng paglalaan ng ₱58-billion para sa Department of Tourism (DOT), ₱75-billion naman sa Department of Transportation (DOTr), ₱44-billion naman sa grants at technical assistance sa ilalim ng Board of Investments (BOI) para sa mga negosyong kabilang sa exporting at importing.

Mayroon ding ₱66-billion na ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda at ₱50-billion para sa National Development Company (NDC) na ilalaan sa mga negosyong lubhang napabagsak ng epekto ng COVID-19.

Kasama rin sa PESA ang ₱650-billion na pondo para sa Build, Build, Build Program para sa tatlong taon na sisimulan naman sa 2021.

Facebook Comments