₱6.35 trillion na 2025 national budget, inaprubahan na ni PBBM

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱6.352 trillion 2025 budget sa ilalim ng National Expenditure Program.

Sa 17th cabinet meeting sa Malacañang, iprinisenta ito ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa pangulo, maayos na naibalanse ang itinakdang appropriations.


Tututukan sa pondo ang food security, social protection, healthcare, housing, disaster resilience, infrastructure, digital connectivity, at energization.

Pinakamalaking bahagi naman ng pambansang budget ay inilaan sa education sector, public works, health, interior and local government, at defense.

Tinukoy ding priorities ang social welfare, agrarian reform, transportation, judiciary, at justice.

Facebook Comments