Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtitiyak ng Department of Budget and Management (DBM) na mapopondohan ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) sa 2024.
Ayon kay DSWD Usec. Edu Punay, nakipagpulong na ito sa DBM para sa budgetary requirements ng programa.
Dahil dito, inaasahan ng DSWD na mas marami pang mahihirap na pamilya ang tiyak na makikinabang sa programa.
Sa kasalukuyan, ipinatutupad ng DSWD ang FSP sa Tondo, Manila at Dapa, Siargao, habang ang full roll out nito ay ikakasa sa San Mariano sa Isabela; Gato De Rena sa Camarines Sur at Parang sa Maguindanao sa buwan ng Disyembre
Matatandaang sinabi ng DBM na aprubado na ang anim na bilyong pisong pondo para sa implementasyon ng flagship program ng administrasyong Marcos.