₱61.2 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa Taguig

Sinalakay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police ang isang apratmnet sa Amihan Street ng Brgy Ususan, pasado alas-9:00 kagabi matapos itong makompermang may nakatagong ipinagbabawal na droga.

Dahil dito, na aresto ang suspek na si Gezel Wesley Villarin Oliveros, alays “Boy”, 26-ayos at kabilang sa Taguig Police Station Drugs Watchlist, nakatira mismo sa nasabing apartment.

Nasamsam ng mga otoridad ang 9kgs ng shabu na may katumbas na halagang ₱61,200,000.00.


Narekober din ng mga pulis ang perang ginamait na buy-bust money, timbangan at ilang maliliit na sachet na naglalaman ng umano’y shabu.

Kinuha rin ng mga otoridad ang isang unit ng cellphone na hinihinalang ginagamit ng suspek sa pag kontant ng kanayang mga customer sa ilegal na droga at sa pinagkukunan niya nito.

Itinurn over na ang mga nakuhang ebidensya sa Southern Police District o SPD Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong na ang suspek sa SPD Custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments