₱62.5 million SURE COVID-19 loan grants, ipamamahagi sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng COVID-19 sa Northern Mindanao

Susunod nang makikinabang ng Survival and Recovery (SURE) COVID-19 loan grants ang mga magsasaka at mangingisda sa Northern Mindanao na apektado rin ng COVID-19 pandemic.

Aabot sa ₱62.5 million ang loan assistance na ipapamahagi ng Department of Agriculture – Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) sa ilalim ng expanded Survival and Recovery (SURE) aid project o SURE COVID-19 financing program.

Bawat marginalized farmers at fisherfolks ay makakapag-avail ng hanggang ₱25,000 na utang nang walang collateral at interest na babayaran ng sampung taon.


Habang ang micro and small enterprises ay makakautang din ng hanggang ₱10 million bilang financing assistance.

Una nang naglabas ang DA ng ₱185 million financial assistance noong April at May sa mga rice farmers sa rehiyon sa pamamagitan ng Financial Subsidy to Rice Farmers (FSRF) at Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).

Target naman ngayon ng ahensiya na tulungan ang maraming magsasaka sa pamamagitan DA-ACPC loan assistance na layong manatili silang produktibo sa gitna ng pandemya.

Base sa datos, 80 munisipalidad at siyudad sa Northern Mindanao ang saklaw ng DA-ACPC SURE COVID-19 financing program.

Facebook Comments