₱65 billion para sa cash transfer ng mga ‘No Work, No Pay’, ipinanawagan ng isang kongresista

Isinusulong ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang agad na paglalaan ng gobyerno ng ₱65 billion para sa cash transfers ng mga “no work, no pay” na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.

Paliwanag ni Quimbo, kinakailangan ang dagdag na pondo para pangsuporta sa mga manggagawang “no work, no pay” kung kaya’t kukulangin ang inisyal na ₱27.1 billion na pondo para labanan ang COVID-19.

Aniya, aabot sa ₱6.9 million ang mga manggagawang “no work, no pay” sa buong Luzon.


Ang ₱65 Billion na assistance ay makakatulong para mabigyan ng ₱9,420 na cash transfers sa loob ng 23 araw ang mga arawan ang sahod.

Bukod dito, naunang inihain ni Quimbo ang ₱108 billion Economic Rescue Plan for COVID-19 para maisalba ang malaking malulugi ng bansa dahil sa epekto ng coronavirus.

Sa naturang halaga, ₱50 billion ang ilalaan para sa mga MSMEs, ₱43 billion para sa tourism industry at ₱15 billion para sa mga displaced workers.

Facebook Comments