₱70 na BBM sugar, mabenta ngayon sa SRA

Sa layuning mapasakamay ng publiko ang mga murang asukal, binuksan ngayon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang compound nito para makapagbenta ng murang asukal.

Ayon kay Narciso Cabalquinto OIC ng admininistrative division ng SRA, nasa 410 na bags ang ibinagsak sa kanila ng ilang mga players sa sugar industry kung saan nagsimula silang magbenta ng ₱70 BBM sugar kahapon.

Ngayong araw ay dinagsa ang SRA at bago mag-alas-3:00 ay naubos na ang kanilang panindang pulang asukal.


Mga residente sa mga barangay sa bisinidad ng SRA ang kanilang naunang mga parokyano.

Para sa mga interesado, bukas ang SRA-DA store mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes para tumanggap ng mamimili.

Magtatagal ang rollout ng murang asukal hanggang Disyembre.

Para maiwasan ang hoarding o maramihang pagbili, nililimitahan nila ang bawat customer na makapamili ng hanggang tatlong kilo lang.

Dagdag ni Cabalquinto, plano nilang makipag-partner sa mga Local Government Unit (LGU) para maibaba sa antas ng barangay ang murang suplay ng asukal.

Facebook Comments