₱95K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST SA LINGAYEN

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Lingayen , Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 56 anyos na caretaker ng palaisdaan sa bayan.

Nasamsam mula sa operasyon ang 14.02 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tatlong pakete at nagkakahalaga ng ₱95, 336.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang calibre 22 na baril na may dalawang bala at ilan pang non-drug evidence.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Lingayen Police Station na sasampahan sa mga kaukulang kaso.

Facebook Comments