
Cauayan City – Naglaan ng P300,000.00 na pabuya ang Lokal na Pamahalaan ng Sto. Tomas, Isabela sa kung sinuman ang makapagtuturo sa salarin sa illegal na kumatay sa isang baka kamakailan.
Sa panayam ng iFM News Team kay Police Lieutenant Gilton Angelo Arzadon, Deputy Chief of Police ng Sto. Tomas PNP, kinumpirma na ginutay-gutay ang tatlong taong gulang na alagang baka ni Ginoong Leslie Quilang ng Brgy. Caniugan, Sto. Tomas, Isabela. Natagpuan ang baka sa isang maisan na malapit sa Cagayan River.
Dagdag pa niya, maaaring isang grupo ang nasa likod ng pagkatay sa alagang hayop.
Hinihikayat ng Sto. Tomas PNP ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang mga hotline na 0998-598-5237 at 0975-906-4763, o sa kanilang opisyal na Facebook page na “Sto. Tomas PS,” para sa anumang impormasyong makakatulong sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
Samantala, nagpapatupad na ng mas pinaigting na pagpapatrolya ang pulisya sa mga liblib na lugar ng bayan bilang bahagi ng kanilang hakbang sa pagpigil sa kahalintulad na krimen.
Pinapayuhan naman ang mga nag-aalaga ng baka at kalabaw na tiyaking nasa ligtas na lugar at maayos na nababantayan ang kanilang mga alagang hayop.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










