BINYAGAN SA ILOG NG ISANG RELIHIYON NAUWI SA TRAHEDYA MATAPOS MALUNOD ANG ISANG KASAMAHAN NILA

MABINI, PANGASINAN – Dead on arrival sa pagamutan ang isang bente sais anyos na lalaki matapos itong malunod sa bayan ng Mabini.

Ang biktima ay nakilalang si Rodel Posadas, residente ng Brgy. Sampot bayan ng Dasol.

Naganap ang insidente sa Manaol River sa bayan ng Mabini kung saan ay nagbabautismo o nagbibinyag ang kanilang relihiyon na Assembly of God at kalauna’y napagkasunduang maligo sa ilog.


Aksidenteng napunta sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima na dahilan para malunod ito, bagamat nai-ahon at nai-sugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Facebook Comments