𝐆𝐎𝐕. 𝐌𝐀𝐌𝐁𝐀, 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐊𝐎𝐒 𝐒𝐈 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐓𝐎𝐑 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐑𝐃𝐀

Binatikos ni Cagayan Governor Manuel Mamba si Senador Loren Legarda kaugnay ng kanyang pahayag na hindi kalaban ng estado ang mga komunistang grupo o Communist Party of the Philippines-New People’s Army-New Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Inilarawan din ng gobernador na nakakahiya ang senador dahil sa naging pahayag nito.

Ito ang sinabi ng gobernador sa panayam sa iba’t ibang media nitong Lunes, September 5, 2022 nang dumalo sa Change of Command at Retirement Ceremony nila BGen Audrey Pasia at BGen Laurence Mina ng 5th Infantry Division.

Sinabi rin ni Gobernor Mamba na walang alam ang senadora sa paghahasik ng kaguluhan ng komunistang grupo sa bansa partikular sa Cagayan dahil ito’y palaging nasa senado lamang.

Aniya, matagal na siyang nakikibaka upang masugpo ang rebeldeng grupo simula noong magtrabaho siya sa gobyerno.

Saad niya, sa loob ng 37 taong panunungkulan sa gobyerno ay wala na itong ginawa kundi makipaglaban sa NPA.

Binigyan diin rin ni Mamba na hindi pwedeng mahina ang gobyerno laban sa mga komunistang grupo.

Kaugnay nito, hinimok niya na palakasin ang kampanya laban sa humihinang pwersa ng mga NPA.

Samantala, inihayag din ni BGen Pasia, ang bagong talagang Acting Commander ng 5th Infantry Division na itutuloy niya ang sinimulan na operasyon ni MGen Mina laban sa mga rebeldeng grupo.

Nagbabala ito na lalo nilang paiigtingin ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng komunistang grupo.

Facebook Comments