𝐋𝐓𝐅𝐑𝐁 REGION 2, NAGBIGAY NG 𝐓𝐄𝐂𝐇𝐍𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 SA 𝐋𝐆𝐔-𝐓𝐔𝐆𝐔𝐄𝐆𝐀𝐑𝐀𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘

Cauayan City, Isabela- Nagbigay ng technical assistance ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Region 2 sa mga Technical Working Group ng LGU-Tuguegarao City sa kanilang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) na ginanap sa Mayor’s Conference Hall, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pakikipagtulungan ng LGU at LTFRB sa pagbibigay ng katuparan sa pinakahihintay nilang Route Plan Manual o LPTRP.

Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang mga hinaing ng LGU tungkol sa mga kabanata ng LPTRP manual, lalo na sa mga lugar na rationalization route, at sinubukan naman ng RPMOs na sagutin ang kanilang mga katanungan.

Nagbigay naman ng pangkalahatang ideya ng programa si PUVMP-RPMO 2 Planning Officer III Victor Dollentas tungkol sa LPTRP common errors gayundin ay tinalakay din ang mga posibleng pagsasama-sama ng MC’d Loop Service Routes ng LTFRB.

Ang LPTRP ay isa sa mga komponent ng PUVMP sa ilalim ng Department of Transportation Order No. 2017-011, o mas kilala sa tawag na Omnibus Franchising Guidelines.

Facebook Comments