π–πŽπ‘π‹πƒ’𝐒 π€πˆπƒπ’ πƒπ€π˜ 𝟐𝟎𝟐𝟐, π†πˆππ”ππˆπ“π€

Dinaluhan ng tinatayang 500 partisipante kabilang na ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Cauayan, kabilang na ang Gender and Development, LGBTQ+, BUGAI ORGANIZATION, (Bamboo United Gay Association Incorporation), City Councilors, at ni Cauayan City Mayor Caesar Dy ang inilunsad na World Aids Day ng Department of Health na may temang “Putting ourselves to the test achieving equity and end HIV” na ginanap sa SM City Cauayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na magbigay ng impormasyon sa kabataan ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman ukol sa HIV-AIDS at kung ano epekto ng naturang sakit sa isang indibidwal na nahawaan o mayroon nito.

Pinaliwanag rin sa nasabing aktibidad sa pamamagitan ng mga lectures ang ilang mga batas katulad ng Republic Act 8504 o mas kilala bilang Philippine Aids Prevention and Control Act of 1998.

Ayon sa naging mensahe ni Mayor Dy, sa kaniyang talumpati, sinabi nito na hindi dapat dinidiskrimina ang mga may HIV dahil magdadagdag lamang umano ito ng pahirap sakanila.

Sahalip, kailangan umano silang tulungan at palakasin ang kanilang kalooban, dahil marahil ang karamihan sakanila ay hindi naman ninais na magkaroon ng nasabing virus. Dagdag pa ni Mayor Dy, patuloy na makikiisa at makikibahagi ang siyudad ng Cauayan sa mga ganitong klaseng programa upang magpalaganap ng tamang impormasyon sa mamamayan lalo na sa mga kabataan ukol sa pagpigil sa pagtaas ng kaso ng HIV.

Bilang pang wakas, nagsindi rin ng mga kandila ang ilang mga dumalo sa aktibid bilang paggunita sa mga indibidwal na tinamaan ng nakahahawang sakit na HIV.

Facebook Comments