Inaasahan ang nasa dalawampung libo o 20, 000 na piraso ng Bangus ang bilang ng ihahawing mga isda sa nalalapit na pagdiriwang ng 2024 Bangus Festival Kalutan Ed Baley sa darating na April 30.
Alinsunod dito, tiniyak ng alkalde ang kaligtasan sa Ceremonial Lighting of Grills para sa nasabing aktibidad.
Sa kaugnay na balita, nananatiling matatag ang suplay ng Bangus sa lungsod at sa kasalukuyan ay naglalaro sa P130 hanggang P150 ang kada kilo nito sa pampublikong pamilihan sa lungsod.
Pagtitiyak na bagamat nararanasan ang mainit na panahon ngayon sa Dagupan City kasunod ng pagkakatala ng mataas ng heat index ay hindi umano ito malaking suliranin sa produksyon ng bangus.
Pinabulaanan na rin BFAR Region I ang napabalitang mayroon umanong isinagawang forced harvest ng bangus dahilan ang banta ng fish kill. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨