Inaasahang mararanasan ng bansa ang above normal rainfall o mas maraming ulan simula pagdating ng buwan ng Oktubre ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Sa pagtataya ng weather bureau, bunsod ito ng inaasahang La NiΓ±a Phenomenon na maaaring mabuo pagdating ng mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Asahan din makararanas pa ng localized thunderstorms, shearline, frontal system, monsoons rains, low pressure areas, at cyclones lalo na at nasa panahon na ng tag-ulan ang bansa.
Samantala, kalakip nito ang patuloy na pagpapaala sa publiko kaugnay sa mga nararapat na hakbangin upang maiwasan ang matinding epekto ng tag-ulan tulad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments