𝗔𝗖𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗖𝗔𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗦𝗜𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗦𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗢𝗩𝗣 𝗡𝗚 𝟰𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝟭𝟭 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟮

Iginiit ni Act Partylist Representative France Castro na kinakailangan pa ring busisiin ang paggamit ng intelligence fund ng Office of the Vice Presidente ng aabot sa 40 million pesos sa loob lamang ng 11 araw.

Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay Castro, bagamat may isang kongresista na nagsasabing hindi na ito kailangang pag-usapan, binigyang diin nito na dapat usisain ang ganitong usapin dahil isa ito sa batayan upang maaprubahan ang budget ng naturang opisina.

Ayon Kay Castro kahit pa ito ay nangyari noong 2022 kukuwes

tyunin pa rin ito ng Commission on Audit o COA.

Gayunpaman, magpapatuloy ang isinasagawang pagdinig sa pag-apruba ng budget ng OVP kabilang na ang pagbusisi sa kontrobersyal na 10 milyong pisong halaga para sa librong ‘Isang Kaibigan’. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments