Ikinatuwa ng transport group na Alliance of Concerned Transport Organization(ACTO) Nationwide ang hindi pagpabor ni PBBM sa suhestiyon ng Senado na suspendihin ang PUV Modernization Program.
Ayon sa eksklusibong panayam ng iFM Dagupan kay ACTO Nationwide President Liberty Deluna, malaki ang kanilang pasasalamat sa presidente dahil pinakinggan umano nito ang mayorya. Aniya, nasa 83% ng miyembro ng Magnificent 7 ang consolidated na gayundin ang 90% sa grupo ng ACTO Nationwide.
Dagdag pa ni Deluna na pitong ekstensyon na ang naisagawa kaya’t kinukuwestyon nito ang liderato ng Senado kung bakit pinapaboran ang suspensyon ng PUV Modernization Program.
Matatandaan na iginiit ng ilang senador na marami pa ang kinakailangang ayusin bago ito tuluyang mai-implementa.
Depensa naman ni Deluna, na maaari naman umano itong ayusin nang hindi sinususpinde ang programa.
Bagamat may mga ilang hindi pabor sa programa binigyang diin ni De Luna na nirerespeto nila ang kanilang opinyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨