Maaari na at tumatanggap na ang mga bus companies sa Dagupan City ng advance booking ilang linggo bago ang paggunita sa Semana Santa.
Maaari ng magpa-advance booking ang mga byaheron may balak na bumalik o umuwi sa ibang probinsya o sa Maynila.
Ang pagpapatupad ng mga bus companies na ito ay para iwas aberya at hassel sa byahe lalo na kung sasapit na mismo ang huling linggo bago ang Semana Santa.
Inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero kaya naman mas mainam na rekomendasyon ang pagpapa-advance booking ng biyahe nang sa gayon ay hindi na makipagsiksikan at mabawasan rin ang posibleng mahabang pila sa pagdagsa ng mga babyahe.
Nagbigay katiyakan naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na walang magiging problema sa byahe ang mga public transportation sa pagsapit ng Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨