𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗥𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗟𝗧𝗜𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Maagang hinaharvest ang mga Bangus ng mga growers mula sa mga bayan ng Lingayen, Binmaley at Bugallon kahit hindi pa tuluyang fully grown o malaki ang mga ito bunsod umano ng itinakdang ultimatum sa ilang nasabing bahagi sa Pangasinan.

Ayon sa mga personal na nakapanayam ng IFM News Team, mayroon umanong ultimatum kung saan ipinagbabawal na ang fish pen sa ilang bahagi ng mga nasabing bayan at dagdag pa ng mga ito na ngayon o hanggang bukas na lamang sila mapapayagang magharvest.

Ibinabagsak ang mga ito sa Dagupan City bilang isa ang wet market sa lungsod na kadalasang pinagbibilhan ng mga seafood at fish products.

Samantala, ayon pa sa ilan kung mapansing sakaling dadami pa umano ang naghaharvest ng maliliit na isda ay posibleng dahil ito sa banta ng pabago-bagong panahon na maaaring magdulot ng fishkill. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments