Nagpamahagi ng aabot sa PHP 300,000 na halaga ng sako-sakong bigas at agricultural supplies ang Deparment of Labor and Employment (DOLE) sa mga indigent na magulang na mayroong βChildren at Risk of Child Laborβ, sa bayan ng Mangaldan.
Labindalawang magulang ang nakinabang sa pamamahagi nitong maituturing nilang biyaya. Pinangunahan ang naturang kaganapan ni DOLE Central Pangasinan Field Office 1 Agnes Aguinaldo, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan.
Samantala, ang ipinamahagi ay naglalaman ng bigas, hog feeds, poultry supplies, at kiluhan na magiging malaking tulong para sa kanilang pagnenegosyo.
Laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryo sa programang ito ng gobyerno.
Gayunpaman, ang DOLE ay magsasagawa ng monitoring sa mga benepisyaryo upang masigurong nagagmit ng maayos at napapalago nila ang mga gamit pangkabuhayang ipinagkaloob sa kanila. |πππ’π£ππ¬π¨