𝗔𝗞𝗥𝗘𝗗𝗜𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝟯 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗔𝗥𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Itinutulak ngayon ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Hospital(PPH) na makuha ito ng akreditasyon mula sa Department of Health bilang Level 3 onTertiary Health Care Facility.

Ayon kay PPH Head Dr. Cipriano Fernandez, kabilang sa mga requirement upang maging tertiary hospital ay ang pagkakaroon ng residency training program sa mga espesyalista at ilan pang karagdagang serbisyo medikal na magpapalawak sa gampanin ng ospital.

Dahil dito, isang resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan na susuporta sa hangarin ng hospital.

Ayon naman kay Vice Governor Mark Lambino, unang hakbang ito upang maipabatid sa DOH ang intensyon ng PPH na maging level 3 hospital.

Dagdag ng opisyal, kabilang sa mga requirement ay ang pagpapalawak ng mga serbisyo medikal na ihahatid ng isang ospital, pinahabang operation hour ng pharmacy maging ang auxiliary services.

Kaugnay nito, binigyang diin ng Sangguniang Panlalawigan na mahabang proseso ang aabutin bago makamit ang titulo ngunit paghahandaan ito ng pamunuan ng PPH upang mas maiangat ang antas ng kalusugan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments