Tumaas ang bilang ng naitatalang vehicular traffic incidents sa buong Region 1 ayon sa Department of Health.
Ayon kay DOH Regional Director Dra. Paula Paz Sydiongco, mula sa 3,342 na insidente noong 2021 bahagya itong tumaas sa 3,572 noong 2023 kung saan nangunguna ang Pangasinan sa may pinakamaraming naaksidente.
Kasabay ng 3rd World Day of Remembrance ngayong taon, hinimok ng opisyal ang publiko na makiisa sa pagsusulong ng road safety upang maiwasan ang aksidente.
Patuloy ang pagpapaigting ng road monitoring at police visibility sa lalawigan maging ang pagpapatupad ng provincial ordinance sa pagsusuot ng reflectorized vest tuwing gabi.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments