π—”π—žπ—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—¦π—œπ—žπ—Ÿπ—’, π—‘π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—šπ—¨π—‘π—” 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π—‘π—”π—¦π—”π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π—©π—˜π—›π—œπ—–π—¨π—Ÿπ—”π—₯ π—œπ—‘π—–π—œπ——π—˜π—‘π—§π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Nangunguna ang aksidente sa motorsiklo sa mga naitatalang vehicular traffic incidents sa Pangasinan noong 2023.

Ayon sa inilabas na datos ng Pangasinan Police Provincial Office (PANGPPO), nasa 1,313 ang bilang ng motosiklong nasasangkot sa vehicular incidents, pumapangalawa dito ang tricycle o kulong-kulong na nasa 558.

Nasa 1,789 naman ang naitalang kabuuang kaso ng vehicular incidents sa lalawigan noong 2023, karamihan sa mga nasasangkot ay mga kalalakihan.

Samantala, sa pagpapatupad ng ordinansang pagsusuot ng reflectorized vest sa gabi sa lalawigan, inaasahan na bababa ang kaso ng mga nasasangkot na motorsiklo sa disgrasya. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments