𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗣𝗔, 𝗠𝗢𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗

Alitan sa lupa ang itinuturong dahilan sa pananaga ng isang kuya sa kaniyang kapatid sa Brgy. Sta. Maria, San Nicolas, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon na nang unang komprontasyon ang magkapatid dahil sa matagal nang alitan sa lupa.

Muling naulit ang sagutan ng dalawa dahil sa parehong dahilan at dito na uminit ang ulo ng kuya sa kaniyang kapatid kung kaya kumuha ito ng patalim at tinaga ang biktima sa ulo.

Naisugod ang biktima sa hospital na kasalukuyang nagpapagaling dahil sa natamong sugat. Naaresto naman ng pulisya ang suspek at nakumpiska ang ginamit nitong patalim. Samantala, nakatakdang mag-usap ang dalawa sa kahihinatnan ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments