Walang nakikitang problema ang hanay ng Alliance of Concerned Teachers sa naging viral na pagsayaw ng mga estudyante sa Davao matapos tanggapin ang diploma ng mga ito.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay ACT Partylist Representative France Castr, ito ay bahagi ng freedom of expression ng mga estudyante.
Ayon kay Castro, walang nilabag na batas ang mga bata na nag trending sa pag twerk sa nasabing graduation.
Mas mainam dito, aniya, lalo na kung napag-usapan din ito ng mga guro maging ng mga magulang sa pamamagitan ng PTA.
Bahagi na rin ito, aniya, kasi ng pagbabagong Panahon kung saan ay apektado na ng impluwensya ng social media. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments