Target ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagtatag ng isang alternative skills training center para sa mga Out-of -School Youth.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, nais nitong mapabalik-eskwelahan ang mga Out-of-school youth (OSYs) upang mabigyan ng skills training nang makapag hanapbuhay.
Matatandaan na nasa P200M ang inilaang pondo para sa sektor ng edukasyon sa lungsod. Bahagi rin ng pagtataguyod ng edukasyon ay ang kasalukuyang ipinapatayong mga school buildings sa tatlumpu’t-isang isang barangay sa lungsod upang matiyak na komportable ang mga mag-aaral habang nasa klase.
Matatandaan na inilunsad rin ang na kauna-unahang Higher Education Institution Career Fair na dinaluhan ng libo-libong mga estudyante, katuwang ang DepEd at CHED. |πππ’π£ππ¬π¨