Ibinahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region I na natapos na ang iba’t ibang mga proyekto na inilatag sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa ahensya, taong 2023 nang matapos ang mga proyektong imprastraktura sa probinsiya na flood-control structure sa Viray River sa bayan ng Natividad na haling P33.6-milyong pondo, dalawang asphalt overlay naman sa Brgy. Anonas Road at Barangay Nancayasan sa Lungsod ng Urdaneta, gayundin ang Barangay Bononan sa Pozorrubio.
Bukod sa mga proyektong ito mayroon ding tatlong multi-purpose building sa iba’t ibang mga paaralan sa lokalidad ng San Nicolas na nagkakahalaga ng mahigit sampung milyong piso.
Ang mga proyektong ito ng ahensya ay nakapailalim sa General Appropriations Act (GAA) noong taong 2023.
Nagpapatuloy pa sa konstruksyon ang iba’t ibang proyekto ng ahensya sa iba’t ibang bahagi ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨