𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗖𝗢𝗧𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚

Timbog ang anim na katao sa Tondaligan Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City sa magkahiwalay na illegal drugs operation ng awtoridad.

Kabilang sa mga nahuli ng awtoridad ang isang babaeng beach cottage owner na nakuhanan ng 18 pakete ng hinihilang shabu at nagkakahalaga ng mahigit 30,000.

Sinalakay rin ang isang drug den sa lugar kung saan hindi na nakapalag pa ang limang kalalakihan na sangkot sa illegal ang gawain.

12 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang 17,000 at drug paraphernalias ang nakuha sa mga ito.

Kulong ang anim suspek dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments