𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗧𝗘 𝗖𝗔𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟰𝗞 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Umabot sa higit apat na libo na kaso ng animal bite ang naitala na ng City Health Office sa lungsod ng Dagupan simula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ngayong taong 2024.

Nagkakaubusan na umano pansamantala ang suplay ng bakuna kontra rabies dahil sa patuloy na paglobo ng kaso.

Isa sa nakikitang dahilan ng pagtaas nito ay ang kasalukuyang nararanasang mainit na panahon lalo na at isa ang Dagupan City sa nakapagtala ng mataas na heat index sa buong bansa araw araw kung saan maging mga alagang hayop ay hindi ligtas sa nararanasang matinding damang init.

Samantala, patuloy na paalala ng Dagupan CHO ang pag-iingat maging ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng anti-rabies vaccination sa mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments