Napapadalas ang sightings o pagkakatagpo sa mga stranded marine mammals sa baybaying sakop ng Region 1 nitong nakaraang mga linggo.
Sa katunayan, nitong Martes lamang ngayong linggo, dalawang bagong stranders ang natagpuan at napakawalan sa baybayin ng Alaminos City at isang bagong strander naman sa San Fernando City, La Union.
Ayon kay BFAR Regional Office 1 Veterinarian Hasmin Chogsayan, hindi inaalis ang posibilidad na dahil sa blast fishing kaya nai-stranded ang mag marine mammal, ngunit, maaaring may “occurrences o anomalies” sa karagatan na nagtutulak upang mag-strand ang mga ito.
Dagdag niya, dapat umano ay analysis sa nangyayari ng mas maayos na management sa mga marine mammals dahil hindi lang dapat umano nirerescue o isinasailalim ang mga ito sa rehabilitation.
Ngayong linggo, isang melon-headed whale ang nai-stranded Sual at ayaw bumalik sa karagatan, ang itinakbo sa Cariaz Island Satellite sa lungsod ng Alaminos.
Ilang mga naturang marine mammals o marmams kung tawagin, ang natagpuan pa sa baybayin ng Region 1. Tulad ng spinner dolphin na natagpuan sa Vigan, Ilocos Sur; 2 pygmy killer whale sa Magsingal, Ilocos Sur at San Juan, La Union; 8 melon-headed whale sa Tagudin, Ilocos Sur at sa may Bacnotan at Bauang, La Union.
Sa malawakang pagresponde na isinasagawa ng tanggapan, nananawagan sila ng karagdagang volunteers at reinforcements sa marine mammal stranding response ng rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨