Nakitaan ng bahagyang pagbaba ang ilang mga pangunahing ilog sa Pangasinan, dahilan pa rin ng epekto ng nagpapatuloy na mainit na panahong dala ng El Niño.
Ilan na lamang sa nakitaan ng pagbaba ay ang Agno River, Sinucalan River, at ng Cayanga River, ayon sa tala ng PAGASA-Agno River Basin Flood Forecasting and Warning Center o ARBFFWC.
Dahil dito, apektado ang ilang mga taniman sa lalawigan na umaasa sa mga patubig sa nasabing mga ilog.
Ngunit, nilinaw naman ng tanggapan ng ARBFFWC na hindi naman natutuyuan ang mga ilog tulad ng Agno River; ani Engr. Greg De Vera II, Senior Weather Specialist, nakikitaan lamang ng pagbaba ang upstream ng nasabing ilog at hindi naman natutuyuan diumano ang downstream nito.
Sa ngayon, asahan pa ang patuloy na epekto ng mainit na panahon hanggang sa pagtatapos ng Mayo, at asahan naman ang pagpasok ng tag-ulan sa susunod na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨