𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗘𝗗𝗬𝗢 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡

Medyo mababa pa, diumano, ang antas ng ilang ilog sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng mga nararanasang pag-uulan.

Ayon kay Dagupan City CDRRMO Technical Working Group Head Ronald De Guzman, mababa ang lebel ngayon ng tubig sa bahagi ng Sinucalan-Pantal River at hindi pa umano ito nakaapekto.

Matatandaan na ilang ilog sa lalawigan, tulad ng Sinucalan River, Cayanga River, pati na rin ang Agno River ang bahagyang bumaba dahil sa ilang buwang walang naging pag-ulan.

Samantala, ang mga naitatalang pag-ulan naman sa lalawigan umano ay malaking tulong lalo na sa mga magsasaka, na nahihirapan makaraang manalasa ang el niño phenomenon.

Bagamat makararanas pa rin ng mainit na panahon ang lungsod ng Dagupan, puspusan na ang paghahanda ng tanggapan ng Dagupan CDRRMO upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa oras na tumama ang anumang kalamidad.

Ayon sa PAGASA, asahan na above normal rains ang mararanasan bandang Oktubre ngayong taon, kaya naman nakaalerto na rin ang ilang force multipliers sa lungsod, ngayon pa lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments