Inaasahan na ng mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan na magiging sapat ang patubig sa kanilang mga sakahan sa pagpasok ng La Niña sa buwan ng Agosto.
Ayon sa PAGASA, maaaring magsimula ang La Niña sa susunod na buwan na magtatagal hanggang sa unang bahagi ng 2025.
Dahil dito, ayon sa Agno River Basin Flood Forecasting and Warning Center, may tsansang tumaas ang antas ng river system sa probinsiya sa buwan ng Setyembre dahil sa mga pag-ulan na mararanasan.
Ang Agno, Sinocalan at Cayanga River ay nakakaranas pa rin ng below normal na antas ng tubig kahit pa may mga pag-uulan na.
Sa kasalukuyan, ayon sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office madalas nang makaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨