Bahagyang tumaas ang antas ng lebel ng tubig ng San Roque Dam ayon sa inilabas na bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nasa 259.82 meters above level (MASL) ang antas ng tubig sa San Roque Dam ngayong araw. Ito ay dahil sa patuloy pa ring pag-uulan na nararanasan sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon.
Ang San Roque Dam ang sumasalo sa mga tubig mula sa Ambuklao at Binga Dam.
Ayon sa PAGASA hydro-meteorology department, nasa tatlong dam sa Luzon ang patuloy na magpapakawala ng tubig upang maiwasan na maabot ang spilling level sa mga reservoir. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments