𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗨𝗚𝗣𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢

Tinalakay sa naganap na 2nd Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti Drug Abuse Council ang mga kaalaman at impormasyon ukol sa nagpapatuloy na kampanya laban sa droga sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Saklaw nito ang iba’t-ibang mga programa at aktibidad tulad na lamang ng drug local symposium sa mga lokal na pamahalaan, pagbababa nito sa mga barangay level, drug symposium para sa mga PDL at drug-free workplace program.

Ilan pang mga usapin ang pinulong tulad na lamang ng pagtatatag ng mga community based drug rehabilitation centres sa lahat ng district jails sa probinsya at iba pa.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tinukoy ang nasa 1, 168 na mga barangays sa buong lalawigan ng Pangasinan ang idineklara nang drug cleared habang nasa 104 na lang ang mayroon pa ring umiiral na presensya ng droga.

Nagpahayag ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Guico III sa mga programang tutugon sa naturang suliranin upang matuldukan sa probinsya ang ilegal na droga.

Samantala, sinusuyod din ng ahensya ang mga bara-barangay sa Region 1 upang makamit ang drug cleared barangays at municipalities sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments