𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗙𝗜𝗦𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Bolinao ang Anti-Illegal Fishing Drive bilang tugon sa mga naglipanang ilegal na aktibidad ng pangingisda sa bayan.

Kasunod ito ng mga naisasangguni mga illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing activities sa marine ecosystem na sakop ng Bolinao.

Suportado ang naturang kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 katuwang ang Coastal Resources Management Office (CRMO) ng Municipal Agriculture Office at mga barangay councils ng mga coastal barangays, at Bantay Dagat.

Saklaw nito, inaasahan na tatalima ang mga mangingisda sa bayan sa mga regulasyon at magiging katuwang pa ng lokal na pamahalaan sa paghuli ng mga gumagawa ng ilegal na aktibidad.

Samantala, layon nitong mapanatili at maitaguyod ang pag-aalaga sa yamang pangdagat sa Bolinao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments