𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗡𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗡𝗗𝗢𝗠 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗧𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Nasorpresa ang nasa 62 driver ng bus at konduktor sa La Union matapos isailalim ang mga ito sa surprise random drug testing bilang paghahanda sa Undas ngayong Taon.

Ayon kay PDEA Regional Director III Joel B Plaza, layunin ng naturang drug testing na masiguro ang kaligtasan ng mga commuter sa pagdiriwang ng All Souls Day at All Saints Day.

Dagdag pa ng ahensya, mapipigilan rin ng naturang aktibidad ang illegal drug traffickers sap ag tratransport ng illegal na droga.

Nagpositibo sa paggamit ng shabu at marijuana ang apat na driver at limang konduktor.

Agad na dinala ang mga nagpositibo sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) para sa confirmatory test upang iendorso sa Treatment and Rehabilitation Center La Union para sa Drug Dependency Examination (DDE). Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office I (PDEA RO I), Land Transportation Office- Region 1 (LTO R1), Police Regional Office I-Regional Explosive and Canine Unit (PRO I-RECU), and Department of Health-Region 1 ang nasabing drug testing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments