Nasa apatnapung estudyante at out-of-school year ang benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES mula sa Department of Labor and Employment.
Katuwang ang Public Employment and Service Office – Asingan, nagsagawa ang tanggapan ng orientation kaugnay sa naturang programa para sa mga tinukoy na benepisyaryo kung saan makatutulong sa mga kabataan na maging produktibo at maging makatulong sa pamilya.
Ang programang SPES ay nagbibigay ng tulong sa mga napiling mag-aral at out-of-school youth ng pansamantalang trabaho habang hindi pa nagsisimula ang pasukan.
Dalawampung araw na nagtatrabaho ang mga benepisyaryo at makatatanggap ng P502.27 kada araw na sahod.
Samantalan, tuloy rin ang iba pang programang inilunsad ng DOLE tulad ng Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers, Government Internship Program at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨