Thursday, January 29, 2026

𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗣 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Cauayan City – Pinapalakas pa ng pamahalaan ang mga programa para suportahan ang sektor ng edukasyon para sa mga Indigenous People sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal ng tulong.

Sa inilabas na anunsyo ng National Commission on Indigenous People Cauayan City, bukas na ang submission ng requirements para sa Indigenous People’s Education Assistance Scholarship (IPEAS).

Target nito na mabenipisyuhan ang incoming college students o kasalukuyang enrolled sa kolehiyo na mga IP Students.

Para sa mga nagnanais ipagpatuloy ang kanilang edukasyon at nangangailangan ng tulong pinansyal, kinakailangan lamang mag submit ng Application Form, Certificate of Confirmation, dalawang 2×2 picture na may name tag, income tax return o Certificate of tax exemption ng kanilang mga magulang, form 138 para sa mga mag ko-kolehiyo, certificate of grades, endorsement mula sa kanilang IP Leader, Good moral certificate, at ang kanilang latest academic awards, trainings, o extra curricular activities.

Paalala ng opisina ng NCIP Cauayan na hanggang ang deadline ng aplikasyon ay hanggang ika-31 lamang ng Marso, at maaari itong ipasa sa NCIP Office Building, Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments