𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗪𝗔𝗟𝗜𝗣𝗜𝗞𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗠 𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Cauayan City- Muling naghahanap ngayon ng mga kwalipikadong iskolar ang SM Foundation Inc. (SMFI) kung saan layunin ng naturag programa na tulungan ang mga desididong mag-aaral na makapagtapos ng pag-aaral sa ilalim ng College Scholarship Program.
Bukod sa pagbibigay ng scholarship at allowance sa mga iskolar ay nabibigyan rin ang mga ito ng pagkakataon na mag-apply sa part-time employment upang kumikita sila habang nag-aaral.
Nagkakaroon rin ng pagtitipon ang mga iskolar mula sa iba’t-ibang lugar upang makapagtatag ng magandang samahan at ugnayan.

Ang naturang aplikasyon ay nagsimula noong ika-1 ng Pebrero hanggang ika-31 ng Marso taong kasalukuyan at maaaring bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang detalye.
Samantala, mahigit 400 SM scholars ang nagtapos sa bansa at siyam (9) rito ay nagmula sa Cagayan.
Facebook Comments