𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔 𝗔𝗧 𝗕𝗢𝗢𝗞 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗟𝗜𝗧𝗘𝗥𝗔𝗖𝗬 𝗪𝗘𝗘𝗞

Isinagawa sa lungsod ng Alaminos ang Araw ng Pagbasa at Book Exhibit bilang pagdiriwang sa National Literacy Week.

Ang mga mag-aaral mula sa Sabangan Elementary School ay nakiisa sa naturang programa kung saan nabahagian ng kaalaman ang mga ito sa pamamagitan ng Pagbasa at pagpapakita ng iba’t-ibang klase ng libro sa mga ito.

Pinangunahan ng Alaminos City Library ang naturang programa na layuning mapalakas ang Pagbasa,pagsulat at umunawa ng impormasyon o salita.

Bahagi ng pagpapayaman sa kakayahan ng kabataan ang literasi kung kaya’t mahalaga na sa murang edad pa lamang ay itinuturo na sa kanila ang kahalagahan nito bilang pagpapatibay ng kanilang karunungan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments