𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧

Arawang isinasagawa ng San Fabian Public Market ang monitoring at inspeksyon sa mga pamilihan sa bayan ng San Fabian para masiguro na tama at nasa ayos ang mga ito.
Sa naging panayam ng IFM News sa pamunuan ng San Fabian Public Market, araw-araw umano silang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga timbangang ginagamit ng mga nagtitinda sa bayan.
Dagdag pa nila na isinasagawa rin ang surprise inspection sa mga timbangan at kung mapatunayang na-adjust ito ay awtomatikong kumpiskado na at kukunin ng pamunuan ang kanilang mga paninda maging ang timbangan at maaari pang mai-blotter sa pulisya.

Kaya’t paalala ng pamunuan na huwag ng lokohin ng mga natitinda ang mga mamimili dahil mapapasama at upang makaiwas sa anumang problema gaya ng kaso o pagmumulta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments