
Cauayan City – Nasamsam ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Quirino Police Provincial Office ang ilang armas at pampasabog sa isang bulubunduking bahagi ng Sitio Didang, Barangay San Dionisio II sa Nagtipunan, Quirino.
Isinagawa ang operasyon matapos magbigay ng impormasyon ang isang dating rebelde na kilala sa alyas na “Ka Erni” hinggil sa mga ibinaong armas sa lugar.
Agad na ikinasa ng pulisya ang search operation na nagresulta sa pagkakatuklas ng isang arms cache.
Kabilang sa mga narekober ang limang 40mm na pampasabog, apat na rifle grenades, isang M67 hand grenade, mga bakanteng clip at barrel ng rifle grenade, at 134 na bala.
Nakuha rin ang ilang subversive documents at mga gamot mula sa nabanggit na lugar.
Source: PRO 2
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










