𝗔𝗥𝗧𝗜𝗦𝗧 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗗𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗗 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗧𝗘𝗥𝗥𝗔𝗖𝗘𝗦 𝗗𝗜𝗢𝗥𝗔𝗠𝗔

Kinabibiliban ngayon sa social media ang obra ni Julius Paladin mula Solano, Nueva Vizcaya kung saan makikita ang isang realistic diorama ng Batad, Rice Terraces sa Banaue, Ifugao.

Matapos personal na puntahan ang naturang Rice Terraces upang maging reference niya sa kaniyang diorama, matagumpay niya itong natapos.

Inabot ng isang taon ang paglikha ni Julius dito dahil mitikuloso ang bawat detalye upang maging realistic talaga ang diorama.

Gumamit siya ng plywood, styrofoam, dental cast stone, maliliit na bato, static grass at marami pang iba.

Si Julius ay natuto lamang sa paggawa ng diorama sa online tutorials at ngayon ay pinagkakakitaan na niya ito.

Sa katunayan, posted “for sale” na ang kaniyang Rice Terraces Diorama. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments