𝗔𝗧𝗟𝗘𝗧𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗪𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗡𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗔𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗬𝗦𝗜𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡𝗚𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟰

Ipinagmamalaki ngayon ng bayan ng San Jacinto ang tagumpay na nakamit ng kanilang kababayan na si Juluis Culumbres Villabrielle na nagwagi sa sport na badminton sa Petronas Malaysia International Challenge 2024.

Katuwang ang partner nitong si Solomon Padiz, nakuha ng dalawa ang gintong medalya sa nasabing kategorya matapos manalo kontra Malaysia sa finals.

Makikita sa Facebook post ni Julius ang kaniyang taos pusong pasasalamat sa mga naging bahagi ng tagumpay nila lalo na ang Philippines Badminton Association.

Nag-uwi ang mga ito ng cash prize na USD2,000 o humigit kumulang P100,000 base sa social media post nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments