Natanggap na ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang bagong Automated Counting Machine o ACM na gagamitin para sa Halalan 2025.
Kasunod ito ng isasagawang mga roadshow at trainings sa bayan upang magkaroon ng demonstrasyon sa paggamit ng nasabing makina.
Ituturo ang wastong paraan sa paggamit nito upang malaman ng mga residente ang mga hakbangin pagdating ng buwan ng Mayo para sa eleksyon.
Ang bayan ay nakapagtala ng Nasa mahigit apatnapung libong mga registered voters.
Samantala, inaasahang aarangkada ang ACM demonstration sa mga lugar sa bayan sa susunod na taon sa paghahanda sa eleksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments