𝗔𝗨𝗧𝗢𝗠𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗛𝗘𝗠𝗔𝗧𝗢𝗟𝗢𝗚𝗬 𝗔𝗡𝗔𝗟𝗬𝗭𝗘𝗥𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗛𝗖 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Ipinamahagi ng Department of Health (DOH) ang mga makabagong automated hematology analyzers sa mga Super Health Centers at Rural Health Unit sa Ilocos Region.

Ang nasabing equipment ay ginagamit para sa pag-analisa ng blood specimen para sa Complete Blood Count o CBC sa paraang mas mabilis, at pagkakaroon ng mas wastong resulta.

Kabilang sa mga benepisyaryo na mga SHC sa Pangasinan ay mga bayan Alaminos, Basista, Asingan, Tayug, Manaoag at Mapandan at ilan pa.

Samantala, layon ng nasabing pamamahagi ang pagtiyak sa pagbibigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan na nararapat para sa mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments