𝗔𝗪𝗧𝗢𝗠𝗔𝗧𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗢𝗧 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗢𝗣 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢 𝗧𝗨𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗢 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗚𝗔𝗟𝗘 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Ipapatupad na sa karagatang sakop ng bayan ng Bolinao ang awtomatikong pagsususpinde sa paglaot at pagligo, tuwing isasailalim ang bayan sa Tropical Cyclone Wind Signal o kung hindi man ay mayroong itinaas na gale warning.

Sa inilabas ng Bolinao MDRRMC na Executive Order No. 50, s. 2024, Nakasaad dito ang localized suspension ng paglaot, gayundin ay kung kailan maaring pumalaot na ibabase sa advisory na ibababa ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o ng PAGASA.

Ito ay may layuning maprotektahan ang kapakanan ng mga mangingisda sa bayan.

Matatandaan, kamakailan na anim na mangingisda ang nawala sa laot sa kasagsagan ng Bagyong Enteng, kung saan ang tatlo rito naman ay narescue rin kalaunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments