Nagbabala ang awtoridad dahil sa nauuso na naman ang iba’t-ibang klase ng panloloko o pambubudol budol ngayong nalalapit ang holiday season.
Kamakailan, nabiktima ang isang negosyante sa Calasiao Public Market ng tatlong katao na residente ng Bulacan at Maynila at nagbayad ng pekeng isang libo.
Ang mga ito ay hinihinala ring kabilang sa budol-budol gang.
Dahil dito, nagpaalala ang pulisya sa publiko na busisiin ang perang ibinabayad at maging Alerto.
Ngayong papalapit ang holiday season, mas paiigtingin pa ng pulisya ang presensya sa mga area of convergence upang maiwasan ang anumang krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments