Muling iginiit ni Chairperson of the Senate Committee on Basic Education, Sen. Sherwin Gatchalian ang kampanyang ‘back to school’ para sa mga out-of-school children and youth (OSCY) sa bansa.
Kasunod ito ng datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan nasa 10.7M na mga kabataan edad lima hanggang dalawampu’t-apat (5-24) ay natukoy na mga OSCY o mga hindi nakakapasok upang mag-aral.
Aniya, mahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang mga OSCY na makapag-aral.
Alinsunod dito, hinikayat ng senador ang Department of Education (DepEd) na mas paigtingin pa ang pag-implementa ng back to school campaign. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments